Quantcast
Channel: FEATURES Archives - Manila Today
Viewing all articles
Browse latest Browse all 466

#Lakbayan2017 | Kilalanin ang mga Lakbayani: Jierah Sulayman

$
0
0

Mula sa makulay na tribu ng Kagan na matatagpuan sa Tagum, Davao del Norte si Jierah Sulayman. Si Jierah Sulayman ay bahagi ng isang Medical Team ng Southern Mindanao Region (SMR), District 2 at kabilang din sa organisasyong Pagsambok ng Morong Manlulupa at Mangingisda sa Banakon o PAMOMMABA.

Mahigit kumulang 290 ektaryang lupain ang kinakamkam ng ilang mga kapitalista mula sa Tribu ng Kagan. Naroon ang balak nilang pagpapatayo ng mga Resorts at mga plantasyon na malinaw na nagpapakita ng ebidensiyang pang-aagaw ng lupain ng mga Moro, at katulad ng ibang kwento ng mga Lakbayani ay kakambal ng mga ganitong istorya ang militarisasyon. Sa mga ganitong aktibidad ng mga kapitalista ay talagang maituturing na palasak ang salitang ‘militarisasyon’. Upang mabigyang daan ang mga naglalalakihang proyektong ito ng mga kapitalista sa malalawak na lupain sa Tagum ay pwersahang pinaaalis ng mga militar ang mga tao sa komunidad, mayroon pang mga senaryong sinusunog ng mga berdugong militar na ito ang mga kubo’t ilang mga kabahayang kanilang pinaglalagian.

Bukod pa sa walang habas na pangangamkam sa lupang nagbibigay buhay sa kanila ay lantaran din ang diskriminasyong kanilang natatanggap, kung saan ay nababansagan ang mga kakabaihan ng ‘terorista’ lalo na kapag ang kasuotan nila’y kulay itim, isang senaryong nagpapakita ng ‘Islamophobia’.

At sa gitna ng kanilang paglalakbay papunta rito sa kalunsuran upang makiisa sa Lakbayan ay hinarang sila sa Nasipit Port sa Butuan City upang hingan ng I.D. ang bawat isa sa kanila na tumagal ng humigit kumulang tatlong oras na paghihintay. Nakapagdulot ito ng perwisyo sa kanila na nagresulta sa hindi pagtuloy ng iba nilang mga kasamahan sa kadahilanang walang ma-ipakitang I.D. Ngunit hindi sa ganitong mga dahilan ang hahadlang sa kanila upang makibahagi sa Lakbayan ng Moro at Pambansang Minorya 2017.

Narito ang Moro at katutubong mamamayan upang iparating sa Metro Manila, ang sentro ng pampulitikang kapangyarihan ng Pilipinas, ang kalagayan ng mga katutubo sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Dumating sa lungsod ng Maynila noong Agosto 31 ang mahigit 2,000 Bangsamoro at pambansang minorya para sa halos isang buwang kampanya upang ilantad at labanan ang mga pasistang atake ng administrasyong Duterte sa mamamayan. Partikular na kalagayan ng mamamayang Moro tulad ni Jierah ang patuloy na airstrikes sa Marawi City na nagdulot ng malawakang paglikas ng mga residente, kawalan ng kanilang hanapbuhay, pagkakaroon ng iba’t ibang sakit, at kamatayan.

Kahit buong kumot na lungkot at pangamba ang bumabalot kay Jierah nang iwanan niya sa Davao ang kanyang apat na anak upang ipanawagan na maibalik at tuluyang makuha ang kanilang lupang ninuno ay patuloy pa rin ang kaniyang pakikiisa sa pakikibaka para sa kanilang karapatan. At kahit tuluyan na ngang na-reject si Ka Paeng Mariano ay hindi parin dito natatapos ang kanilang paglaban, at hinding-hindi sila mawawalan ng pag-asang muling maibabalik ang kanilang lupa. Patuloy parin ang pagtanaw nila sa mga umagang sisikat ang araw na mapagtatagumpayan nilang mapasakamay muli ang kanilang lupang ninuno.

Isa si Jeirah Sulayman sa mga Moro at katutubo na tumungo sa Kamaynilaan para isulong ang kagyat na interes, usapin at karapatan ng mga pambansang minorya. Kuha ni Janine Perillo.
Isa si Jierah Sulayman sa mga Moro at katutubo na tumungo sa Kamaynilaan para isulong ang kagyat na interes, usapin at karapatan ng mga pambansang minorya. Kuha ni Janine Perillo.

The post #Lakbayan2017 | Kilalanin ang mga Lakbayani: Jierah Sulayman appeared first on Manila Today.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 466

Trending Articles